SI CRISTO'Y MANLILIKHA AT PANGINOON
Kaya namatay at muling nabuhay si Cristo ay upang maging Panginoon Siya ng mga buh·y at mga patay. Roma 14:9
Siya ang maylikha ng lahat ng nasa langit at lupa-mga bagay na nakikita at di-nakikita&emdash;mga hari at kaharian, mga pinuno at kapangyarihan. Sa pamamagitan Niya, at para sa Kanya, nilalang ang lahat ng bagay. Colosas 1:16
...Sa mga huling araw na ito ay nagsalita naman (ang Dios) sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Anak, na ginawa Niyang tagapagmana ng lahat. Sa pamamagitan ng Anak na ito nilalang Niya ang daigdig. Hebreo 1:2
"Kaya't alamin ng buong Israel na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo si Jesus na inyong ipinako sa krus." Mga Gawa 2:36
SI CRISTO ANG TANGING MANUNUBOS
...Itinalaga ng Dios na si Cristo ang maging karunu-ngan, kabutihan, kabanalan, at katubusan natin....1 Corinto 1:30
...Walang ibang makapag-liligtas maliban sa Kanya, sa-pagkat ang Kanyang pangalan lamang ang ibinigay upang magligtas sa mga tao sa ibabaw ng lupa. Mga Gawa 4:12
...Iniligtas tayo ng Dios mula sa kapangyarihan ng kadiliman, at inilipat tayo sa kaharian ng Kanyang minamahal na Anak. Dahil sa dugo ni Cristong nabuhos, tayo'y natubos na, at napatawad na.... Colosas 1:12-14
Lahat ay pinawawalang-sala dahil lamang sa mayamang awa ng Dios...dahil sa pagtubos na ginawa ni Cristo Jesus. Roma 3:9
...Naging daluyan Siya ng kaligtasan para sa lahat ng sumusunod sa Kanya.... Hebreo 5:9
...Ito'y nasulat upang su-mampalataya kayo na si Jesus ang Cristo...upang... magkaroon kayo ng buhay na walang hanggan. Juan 20:31
Dahil sa Kanyang kaawaan, naligtas kayo nang magpasakop kayo kay Cristo.... Efeso 2:8
...Yamang pinawalang-sala na tayo dahil sa pananampalataya, may pakikipagpayapa tayo sa Dios, sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Roma 5:1
..."Magpasakop ka sa Pa-nginoong Jesus at maliligtas ka...." Mga Gawa 16:31
"...Sinasabi Ko sa inyo, ang nakikinig sa Aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa Akin, ay may buhay na walang hanggan at hindi na hahatulan, kundi lumipat na sa buhay mula sa kamatayan." Juan 5:24
...Tumayo si Jesus at nag-salita nang malakas: "Lumapit sa Akin ang nauuhaw, at uminom!" Juan 7:37
"Lumapit kayo sa Akin- kayong nahahapo at may mabibigat na pasanin-bibigyan Ko kayo ng kapahingahan." Mateo 11:28
"...Gaano man karami ang inyong kasalanan, handa Akong ipatawad ang lahat ng iyan. Kahit na kayo'y maruming-marumi...kayo'y magiging busilak sa kaputian." Isaias 1:18
..."Hayaan ninyong lumapit sa Akin ang mga bata.... Sapagkat ang kaharian ng Dios ay para sa mga katulad nila." Marcos 10:14
"Halikayo! Lumapit ang sinumang...may nais. Hali-kayo't uminom sa walang-bayad na tubig ng buhay." Kapayahagan 22:17
PAGTALIKOD SA KASALANAN
Sumagot si Pedro, "Kaila-ngang magsisi kayo at magpabawtismo sa pangalan ni Jesu-Cristo, upang mapatawad ang inyong mga kasalanan. At tatanggapin din ninyo ang Espiritu Santong kaloob Niya." Mga Gawa 2:38
... Ang kalungkutan ayon sa kalooban ng Dios ay nagha-hatid sa tunay na pagsisisi, at nauuwi sa kaligtasan.... 2 Corinto 7:10
"Kayo man ay mapapaha-mak din...kung hindi ninyo tatalikdan ang inyong mga kasalanan." Lucas 13:3
...Lumitaw si Juan Bautista sa kaparangan...na nangangaral: "Talikdan na ninyo ang inyong mga kasalanan...!" Mateo 3:2
"...Ngayon ay ipinag-uutos (ng Dios) na pagsisihan na (ng mga tao) ang kanilang mga kasalanan." Mga Gawa 17:30
ANG KAPATAWARAN NG KASALANAN
Ang mga gawain ng taong masama'y dapat nang talikdan, at ang mga liko'y dapat mag-bago na ng maling isipan; Sila'y manumbalik ... at mula sa Dios matatamo nila ang kapatawaran. Isaias 55:7
"... Ipinapahayag sa inyo na may kapatawaran kayo ng kasalanan sa pamamagitan Niya. Sa pamamagitan Niya, ang lahat ng sumasampalataya ay pinalalaya na...." Mga Gawa 13:38
"Kung patatawarin ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit." Mateo 6:14
"...Nakasulat na kailangang magdusa ang Cristo ... at magbangong muli ... at dapat na ipangaral sa lahat ng bansa&emdash;simula sa Jerusalem&emdash;na kailangan nilang magsisi upang maipatawad ang kani-lang mga kasalanan."Lucas 24:46, 47
ANG MULING KAPANGANAKAN
Sumagot si Jesus, "Buong tapat na sinasabi Ko sa inyo: malibang ipanganak na muli ang isang tao, hindi niya ma-kikita ang kaharian ng Dios.... Kailangang ipanganak kayong muli...." Juan 3:3, 7
...Hindi binhing nasisira ang nagbigay sa inyo ng bagong kapanganakan, kundi binhing walang pagkasira&emdash;walang iba kundi ang buh·y at walang hanggang Salita ng Dios.1 Pedro 1:23
...Ang lahat ng taong matuwid ang pamumuhay ay Kanyang anak.... Ang isini-lang ng Dios ay hindi nama-malagi sa kasalanan; iniingatan siya ng Anak ng Dios.... Juan 2:29; 5:18
Kaya nga, ang taong nakay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Napawi na ang dating pamumuhay niya, at bago na ang lahat sa kanyang buhay ngayon. 2 Corinto 5:17
SI SATANAS ANG PANGUNAHING KAAWAY
Magpakatalino kayo at alis-to, dahil ang Diablong kaaway ninyo ay naglilibot na gaya ng isang leong umuungal at nag-hahanap ng masisila. Labanan ninyo siya.1 Pedro 5:8, 9
"...Sa mula't mula pa ay m·mamatay-tao na (ang Diab-lo), at ayaw niya ng katotoha-nan dahil wala kahit kaunting katotohanan sa kanya.... Sinu-ngaling siya, at siya ang pinag-mulan ng kasinungalingan." Juan 8:44
Manangan kayo sa lakas at dakilang kapangyarihan ng Pa-nginoon. Isuot ninyo ang bu-ong kasuotang panlaban na mula sa Dios, upang mapag-labanan ninyo ang mga pakana ni Satanas. Efeso 6:10, 11
...Ang mga sandata namin ay hindi mula sa tao kundi mula sa Dios at ito'y maka-pangyarihang gumiba ng mga kuta ng kaaway. 2 Corinto 10:4
Matapos na magbangon si Jesus nang Linggo ng umaga, ang unang pinagpakitaan Niya ay si Maria Magdalena....Marcos 16:9
...Hindi si Abraham lamang ang tinutukoy... kundi tayo rin...(na) nananalig sa Dios na muling bumuhay sa ating Panginoong Jesus, na namatay dahil sa ating mga kasalanan at muling nabuhay para mapa-walang-sala tayo. Roma 4:23- 25
"Nasaksihan namin ang la-hat ng ginawa Niya sa buong lupain ng mga Judio at sa Jerusalem. Pinatay Siya ng mga tao at ibinayubay sa isang krus. Subalit ibinangon Siya ng Dios sa ikatlong araw...." Mga Gawa 10:39, 40
...Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa sinasabi ng Kasulatan; Siya'y inilibing, at nagbangon nang ikatlong araw, ayon sa Kasulatan.1 Corinto 15:3,4
"...Kapag handa na ang lahat, magbabalik Ako at su-sunduin Ko kayo, upang makasama Ko kayo sa Aking tahanan." Juan 14:3
"...Tatangis ang lahat ng tao dahil makikita nila ang Aking pagdating sa mga alapaap...na taglay ang kapangyarihan at karangalan...." Mateo 24:30
"Kung Ako at ang Ebang-helyo ay ikahiya ng sinuman sa panahong ito.... ikahihiya Ko rin siya sa Aking pagba-balik...." Marcos 8:38
...Ngayon pa man ay mga anak na tayo ng Dios, bagamat hindi pa nahahayag kung magiging ano tayo. Ngunit alam nating kapag nahayag na Siya ay matutulad tayo sa Kanya.... 1 Juan 3:2, 3
"Kailangang maging handa rin kayo, sapagkat darating Ako sa oras na hindi ninyo inaasahan." Lucas 12:46
ANG SALITA NG DIOS
"Kahit na pumanaw ang langit at lupa, ang mga salita Ko'y hindi papanaw." Lucas 21:33
...Hindi sa kagustuhan ng tao nagmula ang Kasulatan, kundi ang naglahad ng Salita ng Dios ay mga lalaking banal na may udyok ng Espiritu Santo. 2 Pedro 1:21
Lahat ng Kasulatan ay sa Dios galing at napapakinabangan sa pagtuturo, pagsaway, pagtutuwid at pagsasanay sa kabanalan.... 2 Timoteo 3:16
MANALANGIN TAYO
"...'Ama naming nasa langit, si-nasamba po namin ang Inyong pa-ngalan. Nawa'y dumating na ang Inyong kaharian. Nawa'y ang In-yong kalooban na ang masunod sa lupa, tulad ng sa langit. Ibigay po Ninyo sa amin ang aming pagkain para sa araw na ito. At ipatawad po Ninyo ang aming mga kasalanan, gaya ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.
Huwag po Ninyo kaming dalhin sa tukso, kundi iligtas po Ninyo kami sa masama. Sapagkat sa Inyo ang kaharian, at ang kapangyarihan at ang kaluwalhatian magpakailan man." Mateo 6:9-13